Pinaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga taxpayer na ang huling araw ng paghahain ng 2016 Income Tax Returns (ITR) at pagbabayad ng kaukulang buwis ay sa Abril 17 sa halip na Abril 15.

Sa panayam sa QC, nilinaw ng BIR na dahil Black Saturday at non-working holiday ang Abril 15, awtomatikong malilipat ang deadline sa kasunod na working day, sa Abril 17 (Lunes).

Idiniin ng BIR na hindi na palalawigin ang deadline. (Jun Fabon)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'