Nag-aagaw buhay ang isang mason matapos makuryente nang mapadikit sa live wire ng welding machine sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kasalukuyang nakaratay sa Tondo Medical Center si Crisanto Arizapa, 34, tubong Dulong Bayan, Albay, dahil sa tinamong 3rd degree burns sa katawan.

Ayon sa mga doktor, posibleng maapektuhan din ang organs ng biktima dahil sa tindi ng kuryente.

Base sa inisyal na ulat, bandang 2:30 ng hapon nangyari ang insidente sa ginagawang bahay sa No. 446 Riverside Street, San Rafael Village, Navotas City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tinutulak ni Arizapa, at ng kanyang mga kasamahan, ang steel H-beam na kanilang iwe-welding.

Ilang saglit pa ay nadikit sila sa live wire, ngunit nagawang makabitiw ng mga kasamahan ni Arizapa habang siya ay tuluyang napakapit sa live wire at nangisay.

Dali-daling ibinaba ng mga kasamahan ni Arizapa ang main switch at isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan.

(Orly L. Barcala)