BUTUAN CITY – Nakaligtas ngunit nasugatan ang dalawang tao makaraang sumabog ang isang motorized pump boat na kargado ng gasolina at diesel sa Danawan area, Surigao City.

Nagpapagaling na ng mga paso sa Caraga Regional Hospital, sa Surigao City sina Manny Ranie, 38; at Kit Barriga, 30, kapwa taga-Tag-abaka, Dinagat Islands.

Ayon sa report ng Philippine Coast Guard Station-Surigao City, maglalayag ang pump boat na kinalululanan ng mga biktima, patungong Tag-abaka, Dinagat Islands mula sa Barangay San Juan, Surigao City nang sumabog ang bangka bandang 7:30 ng umaga nitong Sabado.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng pagsabog sa bangka, na kargado ng 10 malalaking container ng 300 litro ng gasolina at 300 litro ng diesel. (Mike U. Crismundo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito