CABANATUAN CITY - Naghahanda na ang Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) sa pagde-deploy sa mga estratehikong lugar sa lalawigan upang tiyakin ang kaligtasan ng mga turista at bakasyunista na dadagsa sa probinsiya ngayong linggo para sa Semana Santa.

Ayon kay NEPPO Director Senior Supt. Antonio C. Yarra, itatalaga ang mga tauhan ng Provincial Public Safety Company (PPSC) sa mga lungsod at munisipalidad ngayong Linggo ng Palaspas.

Ilang maneuver platoon mula sa PPSC ang ide-deploy sa mga Lenten site, sa National Park at sa mga tourist spot sa lalawigan na karaniwan nang dinadayo ng mga bakasyunista at turista tuwing Mahal na Araw.

Dagdag pa ni Yarra, magpapatrulya rin ang mga pulis sa mga resort sa probinsiya.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Samantala, inatasan ni Nueva Ecija Gov. Czarina “Cherry” Domingo Umali ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management 0ffice (PDRRMO) na maging alerto 24-oras ngayong Semana Santa. (Light A. Nolasco)