ALICE copy

VISIBLE muli si Alice Dixson pagkatapos ng halos isang taong pamamahinga sa showbiz.

Ibinalita na kasama siya sa horror-thriller na Ghost Bride na ididirehe ni Chito Roño. No’ng una raw niyang nalaman na makakasama niya si Direk Chito sa isang project, na-excite agad siya dahil dream niyang makatrabaho ang master director.

“ I’ve always wanted to work with Chito Roño,” pag-amin ni Alice.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Makakasama ni Alice sa newest Roño film si Kim Chiu.

“I’m going to be learning some Chinese lines, so it’s one of the hardest roles,” ani Alice.

Sa TV Patrol kamakailan, nagpaunlak para sa isang summer pictorial si Alice Dixson kasama niya ang kanyang one year old Labrador Retriever.

Ito raw ang kanilang “baby” ng kanyang kinakasama ngayon. Tuloy naitanong sa aktres kung nangangarap pa rin ba siyang magkarooon ng baby?

“We’re still in the family-making stage, si Blondie pa lang muna ang baby namin ngayon. She’s our panganay girl,” ani Alice.

Isa si Alice sa matatawag na seasoned actress na walang attitude, kaya naman despite her age, namamayagpag pa rin ang kanyang career.

“If you don’t enjoy what you do in life then you’re in the wrong profession,” katwiran ng maganda pa ring aktres.

(Ador Saluta)