Nalagutan ng hininga ang isang tricycle driver makaraang pagsasaksakin ng kanyang pasahero sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Naisugod pa sa Tondo Medical Center ngunit binawian din ng buhay si Rolando Padrigano, 24, ng Block 23, Lot 50, Phase 2, Area 1, Barangay North Bay Boulevard, South (NBBS) ng nasabing lungsod.

Mabilis namang nakatakas ang suspek na inilarawan ng mga saksi nasa edad ng 35-40 at may kalakihan ang katawan.

Base sa report, bandang 6:20 ng umaga, namamasada si Padrigano sa Dalagang Bukid Street, Bgy. NBBS at pasahero niya ang suspek.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pagbaba ng pasahero, nagkasagutan si Padrigano at ang suspek hanggang sa bumunot ng patalim ang huli at pinagsasaksak ang biktima bago tuluyang kumaripas palayo.

Patuloy ang pagtugis sa suspek. (Orly L. Barcala)