POSIBLENG maglaro ang Ateneo de Manila University Lady Eagles sa nalalabi nilang elimination round games sa UAAP Season 79 women’s volleyball tournament na wala ang kanilang ace hitter na si Jhoanna Maraguinot.

Ayon sa isang team insider, pinagsabihan si Maraguinot ng doktor na ipahinga ang iniinda nitong injury sa kanang tuhod ng isa hanggang dalawang linggo.

Nangangahulugan lamang na hindi makakalaro si Maraguinot sa kanilang laban kahapon sa University of the East Lady Warriors at sa Sabado kontra sa kanilang archrival De La Salle University Lady Spikers.

Inaasahang makakabalik si Maraguinot sa simulator na ng Final Four round matapos ang Holy Week break.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Gayunman, nilinaw ng source na nasa diskresyon pa rin ni Ateneo coach Tai Bundit kung palalaruin o hindi si Maraguinot lalo na sa laban nila kontra La Salle kung saan paglalabanan nila ang no. 1 spot. - Marivic Awitan