ISULAN, Sultan Kudarat – Sa muling pagsasanib-puwersa ng militar, pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency-Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-ARMM), sinalakay ang bahay ng isang high value target sa Talitay, Maguindanao at aabot sa P1.5 milyon halaga ng hinihinalang shabu, mga baril at mga bala ang nasamsam.

Bagamat nakatakas ang subject ng search warrant na si Madatu Buisan, inabutan at inaresto ng mga awtoridad ang asawa niyang si Armaya Buisan.

Nabatid na kakasuhan ang mag-asawa batay sa mga kontrabandong nakumpiska umano sa bahay ng mga ito. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog