SHERYL copy

ITINANGGI ni Sheryl Cruz ang tsismis na may relasyon na sila ni Anjo Yllana na konsehal ngayon ng District 2 ng Quezon City.

Ayon kay Sheryl, magkaibigan lang sila.

“We are friends. We’ve been good friends for a more than 21 years na. It’s a long time. Kung nakikita nila kaming magkasama, eh, lakad magkaibigan ‘yun at hindi na dapat lagyan pa ng malisya. Basta masaya akong kasama siya at siya rin naman siguro, eh, happy rin na kasama ako,” napatawang sabi ni Sheryl.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Banggit pa ng isa sa mga star ng Meant To Be ng GMA-7, happy siya ngayon sa takbo ng buhay niya.

“Well, meron ibang mga lumiligaw sa akin who are not from showbiz. Hanggang doon na lang muna. Sa career muna ako ngayon. For sure din naman, eh, darating din naman sooner or later na magkakarelasyon ako and for sure malalaman nila ‘yun,” sey pa ni She.

Pero hindi niya itinanggi ang bulong ng spy namin sa Quezon City Hall na maski raw sa mga session ng Sangguniang Panglungsod ay madalas siyang kasa-kasama ni Anjo.

“Well, wala naman sigurong masama d’yan, di ba? Gusto kong makinig sa session nila. And you know what, exciting at ang sarap manood talaga lalo na pagdating sa mga bills na pinagdedebatihan nila,” paliwanag ng aktres.

So, may katotohanan ba ang balita na pinaghahandaan niya ang pagpasok sa pulitika? Kumalat kasi sa City Hall na tatakbo siya para konsehal sa District 2.

“ May gano’ng balita? Ha-ha-ha. I will just cross the bridge when we get there na lang, Kuya Jimi,” sey ni Sheryl.

Hindi niya ikinaila na may mga kumakausap sa kanya para pumasok sa pulitika. At kung siya naman daw ang masusunod, mas maiging mag-umpisa siya sa mababang posisyon.

“Kung ‘yun ang gusto ng nakararami, eh, we’ll just see in the future, Kuya Jimi. For now, I want to do my best in this industry, to make people happy with the entertainment I impart with them through my work,” paliwanag pa ng aktres.

Samantala, busy rin si Sheryl sa pag-aalaga sa anak niyang si Ashley at siyempre, every other day ang taping niya para sa Meant To Be.

“Katatapos lang din namin nina Tina (Paner) at Manilyn (Reynes) mag-tape for Sunday Pinasaya that will be aired next week,” lahad pa ni Ms. Shery Cruz. (JIMI ESCALA)