INAYUDAHAN sa Kamara ang panukalang batas na nag-aatas sa Higher Education Institutions (HEIs) na tangkilin ang sports at suportahan ang lahat ng college athletic programs
Layunin ng House Bill 5152 (Athletic Programs Report Act) na mapaunlad ang programa na nakatuon sa “healthy and competitive citizenry through sports and athletics; provide a database of information containing athletic program participation rate and financial support; and ensure that HEIs shall provide equal opportunities to both female and male student athletes in sports activities.”
Sinabi ni Rep. Mark Aeron H. Sambar (Party-list,PBA), pangunahing may-akda, na patakaran ng Estado na maisulong ang “physical education and encourage sports programs, league competitions and amateur sports, including training for international competitions, to foster self-discipline, teamwork, and excellence towards the development of a healthy and alert citizenry.”
Lahat ng institusyong edukasyonal ay inaatasan din na magsagawa ng regular sports activities sa buong bansa sa pakikipagtulungan ng athletic clubs at iba pang sektor ng palakasan.
“In line with these objectives, both male and female athletes shall be given equal opportunities to receive proper training and participate in sports activities and competitions,” pahayag ni Sambar.
Iginiit niya na ang aktibong partisipasyon sa sports (palakasan) ay nagtuturo sa mga kabataan tungkol sa mahahalagang pagbuo ng katauhan.
“Teamwork, handling challenges, and overcoming obstacles, keeps the mind sharp and maintains physical fitness”aniya .
(Bert de Guzman)