Pinatay habang himbing ang isang hinihinalang tulak ng droga sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Sr. Supt. Dante Novicio, hepe ng Navotas Police, ang biktima na si Rolando Caballero, ng Barangay North Bay Boulevard South, Navotas.

Base sa imbestigasyon, pinasok at pinagbabaril si Caballero sa loob ng kanyang bahay, bandang 2:15 ng madaling araw.

Ayon sa mga saksi, dalawang armado ang pilit na pumasok sa bahay ng biktima.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Makalipas ang ilang minuto, sunud-sunod na putok ng baril na ang narinig ng mga kapitbahay ni Caballero.

Mabilis na nagsitakas ang mga armado na kapwa nakasuot ng face mask.

Ayon sa Scene on the Crime Operatives (SOCO) ilang tama ng bala sa dibdib ang ikinamatay ni Caballero. (Jel Santos)