Muling magsasagawa ng pagdinig ang Senate committee on economic affairs sa usapin ng Benham Rise upang matiyak ang seguridad ng nasabing teritoryo ng Pilipinas laban sa Cihina.

“We have found it prudent to conduct another hearing in order to paint a clearer picture of the facts as we explore long-term strategies to uphold and defend our sovereign rights over the Benham Rise,” ayon kay Senador Win Gatchalian, chairman ng komite.

Aniya, aalamin niya sa mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) ang mga detalye ng panghihimasok ng China, at kung may ginawa ng hakbang ang DFA tungkol dito.

Iginiit ni Gatchalian na layunin ng pagdinig na makagawa ng pangmatagalang estratehiya at hindi sa isyu ng pamumulitika.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“There is an urgent need to conduct extensive scientific research in the Benham Rise to fully discover how its development will benefit the Filipino people. It will be a long-term process that will require considerable capacity building efforts on our part. These plans must be put into place now so that future generations of Filipinos will be able to reap the benefits of the area’s ecological wealth and unexplored energy resources,” dagdag pa ni Gatchalian. - Leonel M. Abasola