Sinabi ni Senator Leila de Lima na nanginginig na ngayon ang tuhod ng kanyang mga kalaban dahil sa atensiyong ibinibigay ng international community sa kanyang pagkakakulong.

Sa nakalipas na mga araw ay bumuhos ang panawagan ng international community para sa pagpapalaya sa senadora dahil malinaw umano na pulitika ang nasa likod ng pagkakapiit ni De Lima.

“Those evil elements who orchestrated this grand travesty of justice foisted upon me must now be shaking on their knees. Amidst their continued vilification of my person and honor, they don’t really know how to handle me. They know that they cannot persist in their lies and machinations,” saad sa sulat-kamay na mensahe ni De Lima.

“With the whole world watching, and more and more people gaining discernment about this regime’s capacity for evil, my tormentors must realize that locking me up in jail and stripping me of my rights is a huge mistake. They must tremble where they stand,” dagdag pa ni De Lima.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kabilang sa mga nananawagang palayain si De Lima ang European Parliament, Human Rights Watch at Amnesty International.

Sa isang hiwalay na liham, sinabi rin ni De Lima na lumalakas na ang “silent majority” at ito, aniya, ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob upang maging matatag at patuloy na manindigan laban sa administrasyon. (Leonel M. Abasola)