Untitled-1 copy copy

Mga Laro ngayon

(Ynares Sports Center)

4:30 p.m. Blackwater vs. Rain or Shine

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

6:45 p.m. Talk N Text vs. Phoenix

Aasintahin ng Rain or Shine kontra Blackwater.

Makasalo ang Meralco sa pamumuno ang tatangkain ng defending champion Rain or Shine sa pagsagupa nito sa winless na Blackwater ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2017 PBA Commissioners Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Pupuntiryahin ng Elasto Painters ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa pagtutuos nila ng Elite sa ganap na 4:30 ng hapon na susundan ng tapatan ng Talk ‘N Text at Phoenix sa ganap na 6:45 ng gabi.

Huling tinalo ng Rain or Shine ang Mahindra sa larong umabot ng overtime sa iskor na 99-95.

Ayon kay ROS coach Caloy Garcia, ang sobrang pagiging relax sa laro ng kanyang mga players ang naging sanhi kung bakit muntik na silang masilat ng Floodbusters. At ang nasabing bagay ang sisikapin nilang hindi maulit ngayong hapon kontra Blackwater.

“Although winless pa rin ang Blackwater, it doesn’t mean that they are not capable of winning, so kailangan andun yung intensity namin , hindi puwedeng maging relax,” ani Garcia.

Sa tampok na laro, matutunghayan naman kung mayroon pang mailalabas ang import ng Texters na si 10-year NBA veteran Lou Amundson sa pagsalang nitong muli kontra Fuel Master kung saan makakatapat niya ang Australian League veteran na si Jameel McKay.

Bagamat natalo sila sa kamay ng Meralco, 89-94, sa una nilang laban noong Biyernes, optimistiko pa rin si TNT coach Nash Racela na mayroon pang maipapakita ang kanilang import.

“Okey naman, he gave us what we needed defensively. But I think, especially in the second half when we were struggling offensively, hindi lang kami nakakuha ng puntos sa kanya. We only had two practices with him so I think familiarity was a factor,” ani Racela.

Inaasahan naman na magpapakitang-gilas si Amundson kung gusto nitong magtagal ang kanyang stint sa PBA lalo pa’t nandito na sa bansa at nakaantabay lamang ang original choice ng koponan para mging import na si Donte Green.

Sa panig naman ng Fuel Masters, inaasahan ding babawi si Mckay dahil bigo siya sa kanyang debut game kontra Star, 82-101. (Marivic Awitan)