Inamin ng Busan Rail Inc (BURI), ang maintenance service provider ng MRT 3, na wala itong sapat na kakayahan para tiyakin ang de kalidad na maintenance sa mga tren at riles. Ito ay sa kabila ng pagpasok nito sa P3.81 billion service contract sa loob ng tatlong taon.

Ito ang paniniwala ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Jericho Nograles matapos niyang tanungin ang mga opisyal ng MRT3 at Department of Transportation (DoTr) sa tungkol sa mga isyu sa MRT.

Nagbabala si Nograles na maaaring kasuhan ng plunder ang mga dati at kasalukuyang pinuno ng MRT 3 at DoTr dahil sa kanilang papel sa “onerous service contract” sa BURI.

Sinabi ni Nograles na inamin ng BURI na wala silang tamang kagamitan at spare parts na kailangan para magsagawa ng critical maintenance work upang matiyak ang kaligtasan at efficiency ng MRT 3. (Bert De Guzman)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'