Inah at Jake copy

ANG cute ni Inah de Belen, ipina-off the record ang pag-amin niyang boyfriend na nga niya si Jake Vargas. 

Nangyari ito nang makausap siya ng press people sa taping ng Encantadia. Ang hindi alam ni Inah, may napagsabihan na si Jake tungkol sa relasyon nila.

Sa kaso namin, may nagkumpirma sa amin na magkasintahan na nga ang dalawa at very reliable source siya. Kaya bago pa umamin si Inah at si Jake, alam na namin ang real score nilang dalawa.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

In fairness, nakatulong kina Jake at Inah ang kanilang relasyon dahil pareho silang inspired kahit puyatan sa taping.

Minsan, four times a week na ang taping ng Encantadia dahil nag-iipon sila ng episode para sa darating na Holy Week.

Kaya lang wala si Jake sa taping nang dumalaw kami dahil nasa taping ito ng Pepito Manaloto. Hindi namin siya nakausap gaya nang suhestiyon ni Inah na ang boyfriend niya ang kausapin namin.

Sa istorya ng fantaserye, wala pang relasyon sina Deshna/Luna (Inah) at Gilas (Jake), kaya nakakatuwa na in real life, they are a couple. Saka, malalaman sa mga salita ni Inah tungkol kay Jake na special ang aktor sa kanya.

“Nagustuhan ko kay Jake, sobrang bait siya, magalang, very gentlemanly, walang bahid ng kayabangan at sobrang bait,” sabi ng dalaga.

Nakilala na si Jake ng mom niyang si Janice de Belen at ng sister niya. Na-meet naman niya ang sister ni Jake at pati yata ang father ng binata nang mag-taping sila ng Encantadia sa Olongapo.

“Okay naman si Jake sa mom ko at sa sisters ko. Next week, mami-meet niya ang dad ko (John Estrada),” balita ni Inah.

Samantala, hindi alam ni Inah kung hanggang kailan pa eere ng Encantadia dahil wala pang sinasabi sa kanila. Ini-enjoy na lang niya habang kasama pa siya dahil hindi niya ini-expect na makakasama siya sa cast ng fantaserye na pinanood niya noong bata pa siya.

“Nakaka-overwhelm maging part ngEncantadia dahil pinapanood ko lang ito dati at saka, first fantaserye ko ito.

Magaganda ang costume, maganda ang set at talagang kakaibang experience ito sa akin,” pagtatapos ni Inah.

(Nitz Miralles)