Kinasuhan na sa Office of the Ombudsman ang 15 pulis-Cagayan na isinasangkot sa pagpatay sa mga pinaghihinalaang drug pusher sa Region 2.

Sinabi ni Special Investigator Anthon Cruz ng Commission on Human Rights (CHR) Region 2, na bahagi lamang ito ng kanilang imbestigasyon sa mga kaso ng extra judicial killings (EJK) sa rehiyon.

Hindi na muna pinangalanan ni Cruz ang mga pulis na nakatalaga sa iba’t ibang lugar sa Cagayan Valley, at naka-duty pa rin ang mga ito habang iniimbestigahan ang kasong kriminal at administratibo. (Rommel P. Tabbad)

Blind Item

Sinetch itey? ‘Artistang may guaranteed contract, tanggi nang tanggi sa teleserye’—Ogie Diaz