WASHINGTON (Reuters) – Sa unang pagkakataon, kinumpirma ni FBI Director James Comey nitong Lunes na iniimbestigahan nila ang posibleng ugnayan ng presidential campaign ni Republican Donald Trump at ng Russia para impluwensiyahan ang 2016 U.S. election.

Nilinaw ni Comey at ni Admiral Mike Rogers, mga director ng National Security Agency, na ang kanilang imbestigasyon sa Moscow at sa halalan sa U.S. noong Nobyembre ay maaaring tumagal ng maraming buwan.

Umabot ng mahigit limang oras ang pagtestigo ng dalawang opisyal sa House of Representatives Intelligence Committee at inamin ni Comey na simula pa noong Hulyo nila iniimbestigahan ang posibleng pakikialam ng mga Russian sa halalan, kabilang na ang pagtutulungan ng grupo ni Trump at ng Moscow para hindi manalo si Hillary Clinton ng Democrat.

“Putin hated Secretary Clinton so much that the flip side of that coin was he had a clear preference for the person running against the person he hated so much,” ani Comey.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'