Hinimok kahapon ni Senator Joel Villanueva ang administrasyong Duterte na maging masigasig sa pagbibigay ng proteksiyon sa karapatan ng Pilipinas sa Benham Rise.

Kasunod ito ng mga ulat na may namataang Chinese surveillance ship sa underwater region sa malapit sa mga probinsiya ng Aurora at Isabela na may lawak na 13 milyong ektarya.

“We call on the government to augment their presence in the Benham Rise and to ceaselessly defend and protect our sovereign rights over our continental shelf,” sabi ni Villanueva.

Pinag-ibayo ng senador ang kanyang panawagan sa pamamagitan ng pag-akda ng ipinasang panukalang batas kasama si Senador Sonny Angara, ang Senate Bill No. 312, na lilikha sa Benham Rise Development Authority (BRDA), “(which shall) promote, coordinate and facilitate the active and extensive participation of all sectors to effect the exploration, study and development of the Benham Rise.”

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Kapag naisabatas, ang BRDA ay magsisilbing attached agency ng National Economic Development Authority (NEDA) at iaatas nito ang pangunguna sa siyentipikong pananaliksik at exploration sa Benham Rise.

Nakatakdang magpatrulya ang Philippine Coast Guard sa Benham Rise sa Mayo. (Elena L. Aben)