Ni NITZ MIRALLES

Julie ann, benjaminSA Twitter handle ni Benjamin Alves namin nalamang may nangyari sa girlfriend niyang si Julie Anne San Jose dahil sa tweet niyang, “Please pray for Julie’s fast recovery. She’ll be home resting for a few days. Thank you guys.” 

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Kasunod nito ang tweet ni Julie na, “I think I just broke my neck” na sinagot ni Benjamin ng, “I hope it’s nothing serious, babe. Please update me.”

Hindi naman idinetalye ni Benjamin kung ano ang nangyari kay Julie Anne, at wala ring sinabi ang singer-actress. Dahil sa nangyari, absent siya sa Sunday Pinasaya kahapon. Hopefully, okay na siya para sa Disney Princess I Dare To Dream concert sa Mall of Asia March 22.

Nag-rehearse na si Julie na kasama sa mga kakantahin ang How Far I’ll Go mula sa animation movie na Moana. Hindi ito palalampasin ni Julie Anne lalo’t ang makakasama niya ay sina KC Concepcion, Aicelle Santos, Christian Bautista, Erik Santos, Sam Concepcion, Morisette, Tippy Dos Santos, Janina Vela at Lea Salonga.

Samantala, patuloy pa ring napapanood sina Julie Anne at Benjamin sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Pinulot Ka Lang Sa Lupa. Puro iyak ang ginagawa rito ni Julie Anne, mabuti at hindi namamaos. Kung hindi umiiyak, sinasampal naman siya ni Jean Garcia at inaaway ni LJ Reyes.

Ang konswelo kay Julie Anne, napupuri siya nina Direk Gina Alajar, Jean at Victor Neri dahil mahusay, mabilis umiyak, professional at dedicated sa trabaho. Kaya naman very proud sa kanya si Benjamin.