Sisimulan sa Mayo ng House of Representatives ang debate sa panukalang amyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng Constituent Assembly (Con-Ass) upang bigyang-daan ang pormang federal system ng gobyerno.

Sinabi ni Southern Leyte Rep. Roger Mercado, chairman ng House Committee on Constitutional Amendments, na iendorso nila ang House Joint Resolution for Con-Ass sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso sa Mayo.

“The plenary debates is expected in May 2017. We will endorse (for plenary debates and approval) a House joint resolution for Con-Ass,” aniya .

Sinabi nina Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez at Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas na umaasa silang kaagad na malikha ang Constitutional Commission na magbabalangkas sa bagong Saligang Batas.

Anne Curtis, pinag-birthday concert sa 'Showtime' nang hindi handa

“After we passed the death penalty bill, we are awaiting the appointment of Commissioners who will draft the revised Constitution,” ani Alvarez. - Charissa M. Luci