Isang hindi pa nakikilalang babae ang pinagbabaril at pinatay malapit sa isang simbahan sa Quezon City, nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa awtoridad, dakong 11:00 ng gabi natagpuan ang bangkay sa harap ng Holy Sepulchre Shrine sa Cabanatuan Street, sa kahabaan ng C-3 Road sa Barangay San Jose.

Sa salaysay ni Reynaldo Saconoy, residente sa nasabing lugar, lumabas siya sa kanyang bahay nang marinig ang mga putok ng baril hanggang sa tumambad ang bangkay na naliligo sa sarili nitong dugo.

Ang biktima ay tinatayang nasa edad 25 hanggang 30, nakasuot ng itim na blouse at shorts na pink at puti.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinabi pa ng awtoridad na ito ay may taas na 4’11’, maliit ang pangangatawan at kayumanggi.

(Vanne Elaine P. Terrazola at Jun Fabon)