Oklahoma City Thunder guard Russell Westbrook (0) dunks in front of Sacramento Kings center Kosta Koufos (41) and teammate Taj Gibson (22) in the third quarter of an NBA basketball game in Oklahoma City, Saturday, March 18, 2017. (AP Photo/Sue Ogrocki)OKLAHOMA CITY (AP) — Hindi nagawang makapagtala ni Russell Westbrook ng fifth straight triple-double, ngunit nagawa pa rin ng Oklahoma City Thunder na makopo ang ikalimang nilang panalo.

Nagtala si Westbrook ng 28 puntos, 8 rebounds at 10 assists upang tulungan ang Thunders na magapi ang Sacramento Kings, 110-94.

Ang Oklahoma City na ngayon ang may pinakamahabang winning streak na nag-angat sa kanila sa ikalimang puwesto ng Western Conference.

“We’re getting it together, man,” ani Westbrook. “We had new guys coming in fresh off trades. We just had to find ways to get guys going. It’s not always easy to be able to do that.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakapagtala si Westbrook ng triple-double sa naunang apat nilang panalo na nagtaas sa kanyang kabuuang triple-double ngyong season sa 34, pito na lamang ang kulang pantayan ang record ni e Oscar Robertson na nagawa nito noong 1961-62 season.

“I just play, bro,” nang tanungin si Westbrook tungkol dito na sinegundahan naman ni Thunder coach Billy Donovan.

“I don’t follow it during the game,”yon pa kay Donovan. “I have no idea. Any time I’m making a decision, it’s never a decision being made on somebody’s statistical line. I’m just trying to do what I can to help our team be put in a position to win and play to the best of our ability.”

Namuno naman si Georgios Papagiannis na may 14 puntos at 11 rebounds para sa Sacramento,na naputol ang dalawang sunod na panalo.

Tanging sa simula lamang ng larao nakatikim ng lamang ang Sacramento matapos ang inilatag nilang 7-0 run na nagbigay sa kanila ng kalamangn sa iskor na 10-9 bago nagsimulang kumalas ng Thunder sa pagsagot ng 11-0 blast.

“This is the fun time of year, when you’re fighting for playoff position, you’re fighting for home-court advantage,” ayon kay Sacramento coach Dave Joerger. “They played fantastic and we learned a lot, especially the first half. The second half, we kind of got ourselves up off the floor and picked up our level of intensity physically. We just talked about getting better and learning from this game and that is hopefully where we’ll be in a couple of years if we keep taking steps forward.”

OAKLAND, Calif. (AP) – Umiskor si Stephen Curry ng 28 puntos na kinabibilangan ng anim na 3-point upang pamunuan ang Golden State Warriors na mapataob ang Milwaukee Bucks 117-92.

Nagdagdag naman si Draymond Green ng 8-puntos at 8 ding at 10 assists,habang nagtala si Klay Thompson ng 21 puntos para makumpleto ang pagwawalis ng Warriors ngayong season sa Bucks.

Dahil sa panalo ay umangat ang Golden State sa kanilang NBA-best 55-14 matapos ang kanilang ikalawang panalo na mahigit 25 ang kalamangan .

Ito rin ang kanilang ikatlong sunod na panalo kasunod ng kanilang tatlong dikit na pagkatalo ngayong season.

Kasunod din ito ng magandang balita na nagisimula nang mag jump shots si All-Star Kevin Durant, mula nang ma-sidleine sanhi ng sprained knee ligament noong Pebrero 28, isang magandang senyales para sa Wrriors na naghahangad na manatiling mangingibabaw sa West.

DENVER (AP) – Nagposte si James Harden ng 40 puntos at nagtapos na may triple-double para pamunuan ang Houston Rockets sa pagputol sa 4-game winning streak ng Denver Nuggets 109-105 .

Ipinagpag lamang ni Harden ang naunang malakas na pagbagsak niya sa third quarter para makumpleto ang trile double na kinabibilangan din ng tig-10 rebounds at assists.

Nasayang ang tsansa ng Nuggets na maagaw ng panalo matapos ng magkaunod na mintis ni Will Barton, isang 3-pointer at isang lay-up sa huling dalawa nilang possessions.

Matapos ang ablay na 3-point attempt ni Barton nagmintis din I , Harden para sa Rockets ngunit hindi rin naipasok ni Barton ang dapat sana ay game tying lay-up may natitira na lamang 5 segundo sa laro.

Ganap namang sinelyuhan ni Harden ang panalo sa pamamagitan ng dalawang freethrows.

LOS ANGELES (AP) –Sinamantal ng Los Angeles Clippers ang desisyon ng Cleveland Cavaliers na pagpahingahin ang kanilang top 3 players upang maitala ang 108-78 na panalo.

Umiskor si Blake Griffin ng 23 puntos upang pamunuan ang panalo na pumutol naman sa kanilang 3-game losing skid.

Hindi pinalaro sina LeBron James, Kevin Love at Kyrie Irving na naging dahilan para madomina ng Nuggets ang supporting casts ng defending champion Cavs.

Namuno naman si na nagtala ng 16 na puntos para sa Clippers na nagkaroon din ng pagkakataon na ipahinga sina Griffin, Chris Paul at DeAndre Jordan sa kabuuan ng fouth quarter ng laro kung saan tiyak na ang kanilang panalo.