Justin copy

PAGKATAPOS ng hug fest sa kanyang fans sa labas ng hotel kamakailan, tila bumalik na naman si Justin Bieber sa kanyang “don’t talk to me” phase.

Habang nasa Australian leg ng kanyang Purpose tour, tinanggihan niya ang isang babaeng humiling na magkaroon ng litrato kasama siya. Patuloy na humiling tagahanga, at noon nangyari ang hindi magandang pagtugon ni Bieber na nakunan sa video.

“Look at your respect level,” aniya sa fan. “Look at your respect level.”

BALITAkutan

Hindi arte lang! Mga artistang nakaranas ng legit na kababalaghan

Makikita ang babae na sinusubukang magkaroon ng selfie kasama si Bieber, 23, sa labas ng sasakyan ng singer. “Come on,” pagmamakaawa ng babae.

“Look at you,” tugon ni Bieber habang may lollipop. “You make me sick.”

Inihayag ng fan na si Sebah Helal, 20, sa Herald Sun na humiling siyang magpa-picture kasama ang Love Yourself singer sa labas ng Melbourne hotel. “He wasn’t in a good mood and was adamant that he wouldn’t take a photo with me,”saad ng fan. Sinabi ng ina ng tagahanga ni Bieber na “disgusted” siya sa inasal ng singer.

“My daughter was bawling her eyes out. She was dying to meet him, and then he humiliated her,” aniya. “After years of supporting him, my daughter will never see him again in concert.”

Noong Mayo, sinabi ni Bieber na hindi na siya magpapakuha ng litrato kasama ang kanyang mga tagahanga. “If you happen to see me out somewhere know that I’m not gonna take a picture I’m done taking pictures,” sulat niya sa Instagram.

“It has gotten to the point that people won’t even say hi to me or recognize me as a human, I feel like a zoo animal, and I wanna be able to keep my sanity.”

Pero iba-iba ang ipinakikitang pagtrato ng pop star sa mga tagahanga. Nitong nakaraang linggo, nag-post siya ng iba’t ibang larawan sa social media na kayakap ang kanyang mga tagahanga.