EVA AT RYAN copy

TODO-SUPORTA si Eva Mendes sa kanyang asawang si Ryan Gosling.

Dumalo ang 43-anyos na aktres sa premiere ng bagong pelikula ni Ryan na Song to Song sa South by Southwest film festival noong Biyernes sa Austin, Texas.

Kapansin-pansin si Gosling, 36, sa suot na navy blue suit at puting shirt.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Bagamat hindi sinamahan ni Mendes si Gosling sa red carpet, nag-post siya sa Instagram ng larawan ng Paramount Theatre, kung saan nag-premiere ang pelikula idinirehe ni Terrence Malik.

Nitong unang bahagi ng buwan, naglabasan ang mga larawan mula sa Miami, Florida, ang photoshoot niya sa Shape. Sa loob ng magazine, ibinahagi ni Mendes ang kanyang buhay kasama sina Gosling at kanilang dalawang anak na sina Esmeralda, 2, at Amada, 11 buwang gulang.

“What people don’t know about me is that I love being home,” aniya. “Instead of hitting the red carpet, I’d rather be with our girls.” (ET Online)