ust copy

NAIPAGPAG ng National University ang mabagal na panimula para magapi ang University of Santo Tomas, 21-25, 25-16, 25-17, 25-18 at manatiling nasa ikalawang puwesto ng UAAP Season 79 men’s volleyball tournament sa Araneta Coliseum.

Dahil sa panalo, umangat ang NU sa markang 7-1kasunod ng namumuno at defending unbeaten back-to-back champion Ateneo de Manila .

“Matagal na naming ginagamot ‘yan. Every time na lang na may game kami para kaming diesel na kailangan munang mag-init bago maglaro ng todo ang mga players ko,” pahayag ni NU coach Dante Alinsunurin.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Naga-adjust naman kami para sa next game namin maging mas maganda ang simula namin.”

Namuno si Bryan Bagunas sa nasabing panalo sa ipinoste niyang 23-puntos bukod pa sa siyam na excellent receptions.

Ang kabiguan, ang ikatlong sunod naman ng Tigers na bumagsak sa barahang 3-5.

Nauna rito, matapos ang 35-sunod na kabiguan, nakatikim rin sa wakas ng panalo ang University of the East Red Warriors nang gapiin ang Adamson, 25-23,19-25,19-25,25-18,16-14.

Umiskor ng 20-puntos si Edward Camposano upang pamunuan ang nasabing unang panalo ng UE na nagbaba naman sa Falcons sa barahang 2-5. (Marivic Awitan)