cheer copy

SASAMBULAT ang kapana-panabik na Cheerleading competition ng NCAA Season 92 ngayon, tampok ang Perpetual Help University na magtatangkang maidepensa ang korona at mapanatili ang pagiging ‘most bemedalled’ sa MOA Arena.

Magsisimula ang programa ganap na 3:00 ng hapon.

Pinahanga ng UPH Perps Squad ang mga manonood at hurado sa makapigil-hiningang stunt at routine para gapiin ang Arellano U Chief Squad at mabawi ang titulo, 195-193.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sakaling magtagumpay, mahihila ng Las Pinas-based team ang dominasyon sa liga sa kanilang ika-10 titulo mula nang ibalik sa sports calendar ang cheer dance may 13 taon na ang nakalilipas.

Nakalusot lamang sa Perpetual Help ang titulo sa inaugural edition noong 2004, 2008 at 2014, na pinagwagihan ng Mapua, Jose Rizal at Arellano U, ayon sa pagkakasunod.

“We will give it our very best to preserve the tradition of Perpetual Help in NCAA cheerleading,” pahayag ni Perpetual Help coach Ruf del Rosario.

Sa isinagawang drawing of lots, ikalawang magpapamalas ng husay ang Perpetual Help sa likod ng No. 1 Jose Rizal.

Kasunod ang Lyceum of the Phl U, Emilio Aguinaldo, Arellano U, San Beda, Mapua at St. Benilde.

Hindi sumali ang Letran at San Sebastian.