Isang saksak sa dibdib ang ikinamatay ng isang helper matapos nitong makipagduwelo sa kanyang kabaro sa Barangay Commonwealth, Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Jessie Nava, nasa hustong gulang, at nakatira sa garahe ng No. 672 Hauling services, Litex Road, Bgy. Commonwealth, Quezon City.

Agad namang naaresto ang suspek na si Gerry Banyaga, 32, ng Kapalaran St., Bgy. Commonwealth, Quezon City.

Base sa ulat ng Criminal and Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD, dakong 9:00 ng gabi kamakalawa nangyari ang krimen sa tapat ng nasabing garahe.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagkaroon umano ng pagtatalo sina Nava at Banyaga na nauwi sa hamunan dahilan upang si Banyaga at pagbalik niya’y kasama na niya ang kanyang pinsan na siya umanong nanaksak sa biktima. (Jun Fabon)