KATHMANDU, Nepal (AP) – Pinaralisa ng general strike ng mga etnikong grupo, ang mga pamilihan, eskuwelahan, at transportasyon sa halos buong katimugan ng Nepal kahapon.

Ipinoprotesta nila ang pamamaril ng pulisya sa raliyista noong Lunes na nagtangkang buwagin ang isang political rally. Tatlong katao ang namatay at maraming iba pa ang nasugatan sa timog Nepal, na naging saksi ng mararahas na protesta sa nakalipas na taon.

Ayon kay Home Ministry official Bal Krishna Panthi noong una ay binuwag ng mga pulis ang nagpoprotesta gamit ang mga batuta at tear gas bago pagbabarilin ang mga ito. May 33 pulis ang nasugatan sa sagupaan, at hindi pa makumpirma kung ilang welgista ang nasaktan.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na