DALLAS (AP) — Kumubra si Dirk Nowitzki ng 20 puntos para makumpleto ang career 30,000 puntos at sandigan ang Mavericks sa 112-111 panalo kontra Los Angeles Lakers nitong Martes (Miyerkules sa Manila).
Napasama ang 7-foot German sa listahan ng NBA elite na kinabibilangan nina Kobe Bryant. Sa anim, tatlo sila nina Karl Malone ng Utah Jazz at Kobe Bryant ng Los Angeles Lakers.
Nanguna sa Lakers si Julius Randle sa career triple-double na 13 puntos, 18 rebound at 10 assist.
TRAIL BLAZERS 126, THUNDER 121
Sa Oklahoma City, naisalba ng Portland TrailBlazers ang matikas na career-high 58 puntos si Russell Westbrook tungo panalo sa teritoryo ng karibal.
Hataw si Allen Crabbe sa naiskor na 23 puntos, habang tumipa sina Damian Lillard at C.J. McCollum ng 24 at 21 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Ratsada si Westbrook sa 21-of-39 sa field goal, ngunit nalimitahan sa 6 of 15 sa fourth quarter. Kumana rin siya ng siyam na assist at 13-of-16 sa free throw.
Nag-ambag sina Victor Oladipo na may 16 puntos at Enes Kanter na may 11 puntos para sa Oklahoma City, nabigo sa ikaapat na sunod.
WIZARDS 131, SUNS 127
Sa Phoenix, ginapi ng Washington Wizards, sa pangunguna ni Bojan Bogdanovic sa naisalansan na 29 puntos, ang Phoenix Suns.
Naitala rin ng Wizards ang franchise record na 16-of-16 sa free throw.
Kumubra si Bradley Beal ng 27 puntos at kumana si John Wall ng 25 puntos at 14 assist.
Nanguna si Eric Bledsoe sa Suns sa naiskor na 30 puntos, habang humugot si Devin Booker ng 25 puntos.