PORMAL na ipinahayag ng ONE Championship ang paglarga ng ONE: Kings of Destiny sa 20,000-capacity MOA Arena sa Abril 21.

Tampok bilang main event sa fight card ang pagdepensa ni Pinoy fighter Eduard ‘The Landslide’ Folayang sa ONE Lightweight World Championship kontra Ev Ting ng Malaysia.

Mabibili na ang tiket sa www.onefc.com

“It is always an amazing time when ONE Championship is in Manila, because Filipino fans are so intensely passionate about the sport of mixed martial arts that the atmosphere in the SM Mall of Asia Arena just hits a fever pitch. We can’t wait to be back in April as our team has prepared an incredible main event for the organization’s return to Manila. The Philippines’ beloved hero Eduard Folayang will defend his ONE Lightweight World Championship against Malaysian superstar Ev Ting,” pahayag ni Victor Cui, Chief Executive Officer ng ONE FC.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Ipinapalagay na premyadong mixed martial arts fighter ng bansa mula sa Team Lakay ng Baguio City, target ni Folayang na mapanatili ang korona at makalikha ng higit na inspirasyon sa kabataang Pinoy.

Tangan niya ang 17-5 record, si Folayang ang isa sa pinakabeteranong Pinoy na sumasabak sa pamosong MMA promotion sa Asya. Impresibo ang kampanya ng 33-anyos na si Folayang sa nakalipas na taon kung saan naitala niya ang sunod-sunod na panalo.