Magpapatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Pilipinas Shell at Petron, ngayong Martes.

Sa abiso ng Shell at Petron, epektibo dakong 12:01 ng umaga ay magtatapyas ang mga ito ng 55 sentimos sa kada litro ng gasolina, 20 sentimos sa kerosene, at 10 sentimos sa diesel.

Agad na sumunod sa kaparehong price rollback sa gasolina at diesel ang PTT Philippines, na magpapatupad bandang 6:00 ng umaga ngayong Martes.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kaparehong bawas-presyo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang bagong oil price rollback ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Pebrero 28 nang nagdagdag ang mga kumpanya ng langis ng 35 sentimos sa kada litro ng diesel at 30 sentimos sa kerosene, kasabay ng 40 sentimos na bawas sa presyo ng gasolina. (Bella Gamotea)