Nasa 127 bilanggo ang ginawaran ni Pangulong Duterte ng executive clemency sa rekomendasyon ng Department of Justice (DoJ).

Pebrero 22, 2017 nang lagdaan ng Presidente ang kautusan na nagbigay-daan para sa pagpapalaya sa mga bilanggong nabigyan ng pardon.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, binusisi ng Malacañang ang listahan ng mga bilanggo na isinumite ng DoJ para sa mga dapat na magawaran ng executive clemency.

Ang mga nabigyan ng executive clemency ay mula sa New Bilibid Prisons, Correctional Institution for Women, at mayroon ding galing sa mga penal colony na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Bureau of Corrections.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ilan sa mga preso ay napagkalooban ng commutation, o pinaikli ang sentensiya at may natitira pang panahong ipananatili sa piitan.

Kaugnay nito, pinalaya na kahapon ang 27 bilanggo, edad 70 pataas, mula sa Bilibid. (Beth Camia)