Bumuo ang Department of Justice (DoJ) ng task force ng 10 prosecutor na magsasagawa ng preliminary investigation sa mga suspek sa kaso ng “rent-sangla”, na napaulat na nakapambiktima ng nasa 500 may-ari ng sasakyan.

Alinsunod sa Department Order No. 138 na ipinalabas ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, ang task force ay pamumunuan ni Senior Assistant State Prosecutor (SASP) Rosanne Balauag.

Miyembro ng task force sina SASP Rex Gingoyon, Assistant State Prosecutors Aristotle Reyes, Rodan Parrocha, Bryan Jacinto Cacha Jr., Anna Noreen Devanadera at Jovyanne Escaño-Santamaria; at Assistant Prosecution Attorneys Wendell Bendoval, Joan Garcia, at Marc Eico Tariga.

Kinasuhan sa DoJ ang hinihinalang miyembro ng sindikato ng rent-sangla na sina Rafaela Anunciacion, Tychicus Nambia, Anastacia Cauyan, Sabina Torrea, Eliseo Cortez, Eleanor Constatino, Marilou Cruz, Jhennelyn Berroya, Ana Borlon at Lea Rosales.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Mga kasong carjacking, swindling, at syndicated estafa ang isinampa ng Philippine National Police-Highway Patrol Group at ng mga biktima laban sa mga suspek.

Ipinag-utos na rin ni Aguirre ang pagsailalim sa mga suspek sa immigration lookout bulletin.

Batay sa imbestigasyon, hinimok ng mga suspek ang mga biktima na parentahan ang kanilang sasakyan kapalit ng buwanang bayad na P35,000 hanggang P45,000. Gayunman, hindi na ibinalik ang mga sasakyan, na kung hindi isinangla at ibinenta sa iba. (Rey G. Panaligan)