Sususpindehin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang akreditasyon ng dalawang application-based transport services na Uber at Grab kung hindi mairerehisto ng mga ito ang kani-kanilang sasakyan sa ahensiya.

Ito ang pagbabanta kahapon ni LTFRB Board Member Aileen Lizada na nagsabing dapat nang kumilos ang dalawang app-based transportation network companies upang hindi suspindehin ng ahensiya ang akreditasyon ng mga ito.

“We do not register Uber, Grab. We register the driver. Kaya nga responsibility ng peer (driver) na sila ang maglakad ng papeles sa amin, hindi ang Uber at Grab kasi kaso ho nila ito,” ayon kay Lizada. - Rommel P. Tabbad

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador