RIO DE JANEIRO (AP) – Bumangga ang isang float sa bantog na Carnival parade ng Rio de Janeiro noong Linggo ng gabi, na ikinasugat ng walong katao, isa ang nasa malubhang kalagayan.

Sangkot sa insidente ang huling float ng unang samba school na nagpaparada sa Sambadrome ng Rio. Bumangga ang float ng Paraiso de Tuiuti samba school sa bakod na naghihiwalay sa mga estante sa kalsada, na ikinasugat ng mga manonood at nagsasaya.

Basa ang kalsada sa Sambadrome dahil sa patuloy na pag-ambon kayat mahirap kontrolin ang galaw ng malalaking float.

“The rain made the car veer to the left. Organizers tried to adjust, but then they lost control. It is all regrettable, but we cannot stop,’’ sabi ni Elmo dos Santos, pinuno ng Rio parade. Idinagdag niya na, “the show must go on.”

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'