Ria3 copy

MASAYANG-MASAYA si Ria Atayde sa pagbabalik ng karakter niya bilang si Gia sa My Dear Heart.

Si Gia ang tunay na ina ni Heart (Nayomi Ramos) pero hindi niya alam dahil ang buong akala niya ay namatay ang teenage child nila ni Jude (Zanjoe Marudo).

Sa kuwento ng serye, nangibang-bansa si Gia sa kagustuhan ng kanyang inang si Dra. Margaret Divinagracia (Coney Reyes). Sinabihan si Ria ng produksiyon nang kunin siya na maikli lang ang role niya, kaya ang buong akala ng dalaga ay hindi na siya babalik sa kuwento.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Kinailangan ang karakter ni Ria sa istorya ng My Dear Heart para magkaroon ng panibagong conflict, kaya kasali na uli siya sa tumatakbong kuwento.

Marami ang nabitin sa episode ng My Dear Heart nitong nakaraang Miyerkules nang mapanood na parehong nasa ospital sina Gia at Jude at nasa gitna nila si Heart.

Samantala, jampacked parati ang ginagawang mall shows ng cast ng My Dear Heart at pawang mga bata ang nakikipag-picture sa dalawang sumisikat na batang sina Nayomi at Enzo Pelojero (gumaganap na Bingo).

Ang My Dear Heart ay mula sa direksiyon nina Jerome Chavez Pobocan at Jojo A. Saguin handog ng Dreamscape Entertainment. (Reggee Bonoan)