SUBIC BAY – Naagaw ng Perpetual Help ng tambalan ng kambal na sina Relan at Rey Taneo, Jr. ang come-from-behind 18-21, 21-15, 17-15 panalo kontra Emilio Aguinaldo’s Joshua Mina at Paolo Cezar Lim kahapon para makisosyo sa liderato sa Lyceum of the Philippines sa men’s division ng 92nd NCAA beach volley tournament sa beach sand ng Subic Park Hotel.
Nagawang mahabol ng kambal ang 10-14 deficit sa third at deciding frame sa 7-0 run para sa ikaapat na sunod na panalo para makisalo sa lider sa torneo.
“We’re just determined to win here,” pahayag ni Relan, bahagi ng koponan na natalo sa eventual champion Mapua sa indoor volley.
Ginapi nina Jhonel Badua at Meko Franz Binas ng Lyceum of the Philippines ang tambalan nina Joshua Mina and Paolom Cezar Lim ng EAC, 21-14, 21-14, para sa 4-0 karta sa torneo.
Umaasa ang Perpetual Help sa kanilang kampanya para sa kauna-unahang kampeonato sa liga.
Sa women’s action, nagwagi sina Perpetual Help’s Marjito Medalla at Maria Aurora Tripoli kotra Letran’s Kathleen Barrinuevo and Honey Kris Laserna, 21-14, 21-10 at Arellano U’s Regine Anne Arocha at Jovielyn Grace Prado, 21-14, 21-16. (Marivic Awitan)