GERALD copy

TULUY-TULOY ang training ni Gerald Anderson dahil sasali siya, at siya ang representative ng Pilipinas, sa gaganaping Los Angeles Marathon sa Marso 19.

Sa kanyang Instagram (IG) account, makikita ang ginagawa ni Gerald at talaga namang mamamangha ka sa hirap ng kanyang training.

“Obstacles are frightful things to see when you take your eyes off your goal. Counting down to the LA Marathong, getting ready to go #GoLikeNeverBefore. How far will you push yourself today?” post ni Gerald sa IG.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Napansin ng followers ni Gerald na walang picture si Bea Alonzo o picture nilang dalawa sa kanyang IG ccount. Sa IG naman ni Bea, mabibilang ang picture nilang dalawa.

Baka usapan siguro nila at maganda ito para sa kanilang relasyon dahil iwas sawsaw at intriga ang bashers.

(NITZ MIRALLES)