DAGUPAN CITY, Pagasinan – Napigilan ang malawakang brownout sa malaking bahagi ng Cagayan at buong Apayao makaraang mabigyang-daan ang pagkukumpuni sa dalawang transmission tower na maaaring anumang oras ay bumigay dahil sa labis na paghuhukay sa kinatatayuan nito.

Sa bisa ng temporary restraining order (TRO) ng korte, sinabi ni Lilibeth Gaydowen, communications officer ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)-North Luzon, na nakumpuni na nila nitong Biyernes ang dalawang tower sa pribadong lote, na ang may-ari — ang Deltra Multi Corp. ni dating Tuguegarao City Mayor Delfin Ting — ay matagal nang tumatangging makipagtulungan sa operator ng power transmission.

Hinihiling ng NGCP na mapalawig pa ng 20 araw ang TRO upang makumpleto ang mga kinakailangang pagsasaayos sa mga transmission tower. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!