BOGOTA (AFP) – Sugatan ang 31 katao sa pagsabog sa isang bullring sa Bogota nitong Linggo ng umaga. Karamihan sa mga biktima ay mga pulis na nagbabantay sa lugar.

Nangyari ang pagsabog malapit sa Plaza Santamaria bullring sa distrito ng Macarena na hindi tinatantanan ng mga protesta simula nang magbalik ang bullfight noong Enero 22 matapos ang apat na taon.

Kinondena ni Colombian President Juan Manuel Santos ang pag-atake. “Investigations must go ahead to capture those responsible,” aniya.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na