2 copy

Kiwi rider, nakauna sa Le Tour de Filipinas.

LEGAZPI CITY – Bagito sa laban at estranghero sa bayan.

Sa kabila nito, hindi naging pasaway ang kahinaan kay Daniel Whitehouse, bagkus naging inspirasyon niya ang pagiging dehado para magpursige at makipagsabayan tungo sa matagumpay na kampanya sa pagsisimula ng 8th Le Tour de Filipinas kahapon dito.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Sumabak sa kanyang kauna-unahang 2.2 UCI category race, ratsada ang 22-anyos na tubong Christchurch, Canterburg sa New Zealand at miyembro ng Terengganu Cycling Team ng Malaysia para makuha ang Stage One ng cycling marathon sa tyempong tatlong oras, 56 minuto at 15 segundo.

Nagsimula ang 164.49-km race sa Legazpi City at nagtapos sa Sorsogon.

Sumegunda si Benjamin Hill ng Attaque Team Gusto ng Chinese Taipei, habang pangatlong tumawid sa finish line si Ryu Suzuki ng Bridgestone Anchor Cycling Team ng Japan.

Kapwa nakakuha ng parehong oras sina Hill at Suzuki, may isang minuto at 51 segundo ang layo kay Whitehouse.

Nakapasok naman sa top 10 stage finishers ang Spanish rider ng 7-Eleven Sava RBP na si Edgar Nieto matapos makatawid na pangwalo sa unang yugto ng four-stage race na sasnctioned ng UCI (International Cycling Federation) at suportado ng Air21.

Magpapatuloy ang aksiyon ngayon sa pagdaraos ng Second Stage mula Sorsogon hanggang Daet na may layong 177.75 kilometro.

Ikinalugod ni Donna May Lina, pangulo ng organizing Ube Media Inc., ang kaganapan ng Stage One kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga local riders na masukat ang kakayahan laban sa veteran internationalist.

‘Aside of this, naipapakita natin ang magandang kalikasan at tourist spot sa mga bayan na kabilang sa ruta natin. Malaking bagay ito sa ating tourism campaign,” sambit Lina. (Marivic Awitan)