GERONA, Tarlac - Anim na water pump engine ng mga magsasaka ang tinangay ng mga hindi nakilalang kawatan sa magkahiwalay na lugar sa mga barangay ng Tangcaran at Santa Lucia sa Gerona, Tarlac, nitong Biyernes ng madaling araw.
Ang mga natangay na water pump engine ay pag-aari nina Jerry Facun, 55, chairman ng Bgy. Santa Lucia; Bernard Aguilar, 48; Nestor Valdez, 44, kapwa ng Bgy. Tangcaran; Ericson Pagaduan, 55; at Danny Galo, ng Bgy. Quezon, Gerona, Tarlac.
Ang mga tinangay na bombang patubig ay tinatayang aabot sa kabuuang halaga na mahigit P100,000. (Leandro Alborote)