Kapiling na ng 65 Pilipinong mangingisda ang kani-kanilang pamilya makaraang maaresto ng Indonesian authorities dahil sa ilegal na pangingisda sa isla na sakop ng Sulawesi, Indonesia.

Sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga umuwing mangingisda ay kabilang sa 689 na ilegal na mangingisda na nasa kustodiya ng Indonesian authorities.

Ayon pa sa DFA, asahan na rin sa mga susunod na araw ang pagdating ng 71 pang mangingisda na naharap sa kahalintulad na paglabag.

Matatandaan na unang ipinatupad ng Indonesian government ang mas mahigpit na anti-illegal fishing policy sa mga nasasakupang tubig o karagatan. (Bella Gamotea)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20