Benepisyo sa Pinoy jockey, pinagtibay ng DOLE.

PINABABA sa edad na 55 ang taon para magretiro ang propesyonal at lisensyadong hinete sa bansa at pakinabangan ang kanilang benepisyo sa maagang pagkakataon.

Ipinahayag kahapon ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na aprubado na sa ahensiya ang regulasyon para ibaba sa 55-anyos ang retirement year ng mga hinete.

“Considering the special circumstance and inherent dangers posed by their profession, it is just proper that they are accorded with an opportunity to retire earlier and enjoy the benefits they are entitled to,” pahayag ni Bello.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kinatigan ang desisyon ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Sa Department Order No. 169 series of 2017, ang mga alituntunin at mga pamamaraan sa pagpapatupad ng RA No. 10789 o ang ‘Racehorse Jockeys Retirement Act,’ ang isang hinete na nakapaghulog ng ambag sa Social Security System (SSS) sa loob ng limang sunod na taon ay maari ring magretiro kapag umabot na sa edad 55.

“If there is no existing plan or agreement providing for retirement benefits, a racehorse jockey shall be compulsorily retired upon reaching the age of 55,” paliwanag pa ni Bello.

Sinabi pa ng Kalihim na ang isang hinete ay maari ring magretiro sa pamamagitan ng kanyang employer pagsapit sa itinakdang edad ng pagreretiro na itinatag sa Collective Bargaining Agreement (CBA) or contract.

Ang isang hinete ay dapat ding makatanggap ng retirement benefits na maaaring nakakuha sa ilalim ng umiiral na batas at anumang CBA o iba pang mga kasunduan na ibinigay na hindi bababa sa ilalim ng panuntunan.

“If such benefits are less, the employer shall pay the difference between the amount due to the employee under this rule and that provided under the CBA or other applicable employment contract,” pahayag ni Bello. (Mina Navarro)