ADEN (AFP) – Patay ang 32 mandirigma noong Miyerkules sa labanan sa daungan ng isang bayan sa katimugan ng Yemen sa pagitan ng mga puwersa ng gobyerno at rebeldeng Shiite Huthi.

Nangyari ito nang umabante ang mga puwersang tapat kay President Abedrabbo Masnour Hadi papasok sa bayan ng Mokha at umatras ang mga Huthi patungo sa hilaga at kanlurang bahagi ng bayan, ayon sa militar.

Pinasok ng mga loyalista na suportado ng Saudi-led Arab coalition ang port town nitong Enero para itaboy ang mga rebelde mula sa pampang ng Red Sea.

Namatay sa mga bakbakan nitong Miyerkules ang 24 rebelde at walong sundalo.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na