Naantala ang kumpirmasyon ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay Jr., dahil sa isyu sa kanyang citizenship.

Hindi humarap si Yasay sa Commission on Appointments (CA) kahapon, at hiniling ng mga kongresistang miyembro ng komisyon na iurong ang deliberasyon sa kanyang appointment.

“May practice sila doon meron silang preliminary vetting, yung contingent lang nila. Mukhang ‘di pa ‘yon natatapos so they requested that he be deferred pero ini-schedule ko siya on February 22,” ani Senator Panfilo Lacson, chairman ng CA committee on foreign affairs.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sinabi ni San Juan City Rep. Ronaldo Zamora na nais nilang malaman kay Yasay kung naging US citizen ito.

(Leonel M. Abasola)