Pinosasan ng mga tauhan Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) “Oplan Tugis”, ang isang 44-anyos na wanted sa kasong pananaksak sa isang lalaki sa Sampaloc, Maynila, iniulat kahapon.

Ayon kay Chief Insp. Wilfredo Valerio Sy, hepe ng CIDG-National Capital Region-Manila, nadakip nina Sr. Insp. Reynaldo Martin at SPO4 Roberto Chua ang suspek na kinilalang si Nestor Hermocillas sa 1002 Leyte Street, Balic-Balic, Sampaloc, Maynila.

Ayon naman kay Martin, matagal nang wanted si Hermocillas sa kasong tangkang pagpatay sa isang Jay Jurado sa Poblacion, Pandi, Bulacan noong Hunyo 14, 2016.

Kasalukuyang nakapiit si Hermocillas sa CIDG-Manila. (Fer Taboy)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20