Tumaas ang bilang ng namatay sa pangkat ng Abu Sayyaf sa pagpapatuloy ng labanan sa pagitan ng grupo at militar sa Sulu.

Sinabi ni Maj. Gen. Carlito Galvez Jr., commander ng Western Mindanao Command (WestMinCom),na walong Abu Sayyaf ang napatay sa pagsalakay ng Marine Special Operations Group Martes ng umaga sa Barangay Capual sa bayan ng Omar.

Nakasamsam din ang militar ng walong high-powered na baril kabilang ang apat na M16 at apat na M14 rifle.

Patuloy ang pagtugis ng Marines sa pangkat ni Abu Sayyaf sub-leader Alhabsy Misaya, na nagresulta sa pangalawang engkuwentro kung saan tatlong Abu Sayyaf ang napatay.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Pinatindi ng militar ang opensiba laban sa Abu Sayyaf upang maisalba ang halos 27 natitirang kidnap victim ng grupo. (Fer Taboy)