Handa umanong magkaloob ng P100,000 reward si Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi sa taong makapagtuturo ng impormasyon sa pagkakakilanlan at pinagtataguan ng mga suspek sa babaeng pinugutan na ang katawan ay natagpuan sa Bulacan habang ang kanyang ulo ay palutang-lutang sa isang creek sa Makati City noong nakaraang buwan.

Nananatiling mailap ang hustisya para sa biktima.

Gayunman, isiniwalat ni Senior Supt. Joel Orduña, head ng Special Investigation Team “Sagang”, ang pinakabagong impormasyon sa kaso sa pagkakatugma ng resulta ng DNA ng biktima sa anak ng magsasakang si Noel Sagang ng Zamboanga del Norte, si Richelle.

“Positive na. Positively identified na rin ‘yung victim na siya si Richelle. Nag-match ‘yung tissues ng head and body, and as for identification, kasi kine-claim ng father na anak niya, nag-conduct din ng test and nag-match,” pahayag ni Orduña sa Balita.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Samantala, ipinahayag ni Orduña na tinutugis na nila ang dalawang suspek na kinilalang sina Chrissa Mae Anial Chai, alyas “Samantha”; at Niron Leon Marcos, alyas “Aaron”.

Ngunit sinabi ni Orduña na masyado pang maaga para sabihing ang dalawang suspek ang may kagagawan sa insidente.

“We are trying to locate them, get their side pero wala, eh. I believe hindi naman ano ‘yung involvement nila sa kaso, wala kaming ano na sila ang pumatay kay Richelle pero the thing is may alam sila,” ani Orduña.

(Jonathan Hicap at Martin Sadongdong)